Erwin Dayrit ang Mangguguhit ng Pinas


Napaka swerte ng ilan sa atin dahil ipinanganak tayong normal at kumpleto lahat ng bahagi ng ating mga katawan. Nakakapasok tayo ng maayos sa paaralan. Nakakapasok sa trabaho ng maayos. Nakakasali sa mga paligsahan sa eskwela. May confident tayong manligaw, dahil alam nating wala tayong kapansanan. Kaya napaka swerte natin dahil ipinanganak tayong normal?.

Nitong mga nakaraang araw, itinampok sa Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA network, ang napaka talented gumuhit na si Erwin V. Dayrit. Talaga namang napakagaling nya gumuhit. Naiguhit na rin nya ang ating pambansang kamao at ngayong senator na si pambansang kamao Manny Pacquiao.

Filipina tattoo artist and She is considered as the last mambabatok. Na kung saan binisita nya sa malayong lugar ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Naiguhit din ni Erwin si Apo Whang Od isang Filipina tattoo artist and She is considered as the last mambabatok. Na kung saan binisita nya sa malayong lugar ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga. At Ipinakita ni Erwin kay  Apo Wang-Od ang kanyang iginuhit na larawan. Napaka ganda ng kanyang mga obra. At Talagang di nya alintana ang layo at pagod, makarating lamang sya kay Apo Wang-Od. Di alintana ang pagod at init para lamang marating ang lugar ay maibigay ang kanyang inigihut kay Apo Wang-Od.

Si Erwin V. Dayrit ay ipinanganak na malusog, Ganito inilarawan si Erwin V. Dayrit ng kanyang magulang. Ngunit noong sya ay isang taong gulang pa lamang, nalaman sa Philippine Orthopedic Hospital na mayroon syang sakit na Osteogenesis Imperfecta. Sakit na kung saan madaling mabali ang kanyang mga buto. At ang sabi ng isang Doctor na ito daw ay inborn na sakit at tatagal lamang ang mga ganitong pasyenteng may karamdaman hanggang pitong taong gulang lamang.

Talaga nga namang kaawa-awa ang sitwasyon ng batang si Erwin Dayrit. Pero hindi hadlang ang kanyang kapansanan para lumaking mabuting bata si Erwin. Laking pasasalamat ng kanyang pamilya ng dumating si Erwin sa kanilang buhay. Labis na pag-mamahal at pag-aalaga ang ibinigay ng kanyang pamilya. Mabait, malusog at masayahin, Ganito inilarawan si Erwin ng kanyang pamilya.

Hindi ipinaramdam ng kanyang mga magulang at kapatid na may kakulangan sa kanya. Napaka swerte din nya sa pagkakaroon ng isang mapagmahal na pamilya. Lumaki si Erwin ng normal sa paningin ng kanyang mga magulang at kapatid. Ang kanyang pamilya ang kanyang naging sandigan at kakampi sa lahat ng bagay. Noong sya ay pumapasok na sa eskwela, hindi maiiwasan na may mga ka eskwela syang mapanghusga at tampulan sya ng panunukso. Pero hindi naging hadlang ito para sya ay makapag-aral. Ang ate ni Erwin ang isa sa naging sandigan nya, naging kakampi at naging tunay nyang kaibigan. Labis ang kasiyahan ng kanyang pamilya dahil sa husay ni Erwin sa pagguhit. Naging Popular sya dahil sa galing nya sa pagguhit.

Sa kanyang paglaki, di maiiwasan na may magustuhan syang Babae. Pero sa naging sitwasyon ni Erwin, tila ba suntok sa buwan kung sya ay magkakaroon ng kasintahan.Tila mahirap din para sa kanya ang panliligaw. May nagugustuhan si Erwin sa kanilang eskwelahan. Nagsimula muna sila bilang mabuting mag kaibigan. Ngunit masakit man isipin, pero ang kanyang nagugustuhang babae ay naging kasintahan din ng kanyang kaibigan. Napaka sakit para kay Erwin ang pangyayaring ito. Ngunit kailangan nya itong tanggapin.

Mahirap ma friendzone pero ganun talaga ang nangyari. Masakit para sa kanya pero kailangan nya itong tanggapin.

Pero hindi mahirap para kay Erwin na kalimutan ang naging kabiguan dahil nandyan lamang sa kanyang tabi ang kanyang mga magulang at kapatid. At nandyan din ang kanyang mga tunay na kaibigan.

Ipinagpatuloy lamang ni Erwin ang buhay. Ganyan talaga, kasama talaga sa buhay ang mabigo minsan, pero tuloy lang ang buhay Erwin! Maraming nagmamahal at umiidolo sayo.

Kagabi, March 19, 2017, araw ng Sabado. Itinampok sa GMA 7 MAGPAKAILANMAN ang tunay na buhay ni Erwin V. Dayrit. Talaga nga namang nakaka inspire ang talambuhay ni Erwin. At talaga nga namang napaka husay nyang gumuhit.

Ang kanyang mga obra ay talaga nga namang napaka husay at kahanga-hanga. Makikita naten sa kanyang mga obra na talagang ginawa nya ang mga ito ng may puso at talaga nga namang may buhay ang kanyang mga igunuguhit.

Post a Comment

0 Comments