Mga menor de edad na maagang nakakapag asawa

Mga menor de edad na maagang nakakapag asawa, dahil gusto mag rebelde.

Ayon sa pag-aaral.Marame sa mga kabataan ngayon ang mapupusok at nag uumpisang makipagtalik sa edad na 13 o 14.Sa edad na 15 ay nakakapag asawa na sila.Ang kadalasang dahilan ng kanilang maagang pag aasawa ay dahil sa problema sa pamilya.Gusto nilang takasan ang masalimuot na nararanasan nila sa kani-kanilang mga magulang.Lingid sa kanilang kaalaman, mas malaking responsibilidad at problema ang kanilang papasukin sa kanilang pag aasawa..

May napanood ako sa isang TV Network kanina lang.Si nene 15 taong gulang at ang kanyang asawa sa parehas na edad. Sinabi nyang, sa edad 14 pa lamang ay nakikipagtalik na ito, na naging dahilan ng kanyang maagang pag aasawa.Sinabi nyang gusto nyang takasan ang hirap ng buhay ng kanilang pamilya at dahil na rin sa araw araw na pag aaway ng kanyang mga magulang.Nakilala nya si toto na may murang edad din.Nagsama sila at ngayong parehas silang nangangalakal ng basura.Dahil sa pangyayaring ito napagtanto nila parehas na higit na mas mahirap ang kanilang pinasok.Akala nila madali ang pag aasawa, hindi nila alam na mas mahirap ito at kailangan nilang maging responsable pareho lalo na kung magkakaron pa sila ng anak.

Sa ganitong sitwasyon ng mga kabataan sa ngayon.6 out of 10 na kabataan ang maagang nakakapag asawa.Pero hindi dahilan ito para di tayo magsikap at mabigyan ng magandang buhay ang ating mga anak.Maraming paraan para mabuhay ng masagana basta nandyan ang determinasyon at sipag. Lahat makakaya.

Post a Comment

0 Comments