Ano ang Sinkholes at Tsunami alert level?

Alam mo ba ang palatandaan kung may Sinkhole sa lugar nyo? Alamin natin kung ano-ano ang mga ito.

Ano nga ba ang Sinkholes at ano ang palatandaan nito? Tara alamin natin.

  • Ang sinkhole ay mga butas sa ilalim ng lupa na biglang lumilitaw
  • Ang likas na mga sinkholes ay karaniwang dahilan ng mga pagguho at tubig sa ilalim ng lupa.
  • Nagsisismula itong mabuo matagal na panahon pa bago lumitaw ang butas.
  • Ang mga sinkhole ay maaring resulta din ng mga gaw ng tao (1) paghuhukay at pagpapatay (2)pagmimina at mabigat na trapiko.
  • Ang mga sirang tubo ay maaring maging sanhi ng tulad lawang tubig sa ilalim ng lupa.
  • Ang tubig ay maaring sumira sa lupa sa ilalim ng mga kalsada at maging dahilan ng sinkhole.
  • Ang matinding bigat sa malalambot na bahagi ng lupa ay maaring maging sanhi ng sinkhole.

Ano ang karaniwang palatandaan ng Sinkhole?


(1). Mga bitak sa pader, pinto at bintana.
(2). Mga bitak sa panlabas na bahagi ng bahay.
(3). Hirap sa pagsara ng maayos sa mga bintana at pinto.
(4). Lubak sa kalsada, sa iyong bakuran o sa kalapit na bakuran.
(5). Malalim na bitak at paghihiwalay sa mga konkretong sahig at mga daanan.
(6). Pabilog na marka ng lupa sa natutuyong halaman.
(7). Latak sa tubig.
(8). Posible o nakaraang pangyayari ng sinkhole ayon sa mga kapitbahay.
(9). Mga obserbasyon ng paglitaw ng mga butas.

Alamin natin kung ano ang Tsunami Alert Level.


Tsunami (Alert level) Banta sa Pilipinas Mungkahing Pagkilos
o Malakas na paglindol subalit (1) walang tsunami; (2) mayroong tsunami subalit hindi makakarating sa Pilipinas Hindi kinakailangan lumikas.
1. Handa Potensiyal na banta sa Pilipinas Ang mga pamayanang malapit sa dalampasigan ay pinapayuhang maging handa sa posibleng paglikas.
2. Magbantay Mag-obserba Posibleng magkaroon ng maliit na pagkaligalig ng dagat. (Alon na mababa ng 1 metro sa inaasahang (ocean tide) paglaki ng tubig sa karagatan. Maging alerto sa mga hindi pangkaraniwang alon. Manatiling malayo sa dagat. Magtungo sa lugar na malayo sa dalampasigan.
3. Takbo Mayroong nakapipinsalang tsunami at makakaapekto ito sa Pilipinas (Ang taas ng alone ay mahigit sa 1 metro mas mataas sa inaasahang ocean tide). Ang paglikas ay mahigpit na ipinapanukala.

Post a Comment

0 Comments