Wala akong makitang tutorial para sa blogspot or blogger, kaya naisipan ko gumawa ng article kung paano mag setup ng Instant article sa blogspot or blogger. Ngayon lang din ako gumawa ng Facebook Instant Article para sa blogspot. Sumakit talaga ang ulo ko, dahil wala akong makitang tutorial para sa blogspot, halos mga nakikita kong facebook instant article tutorial ay para lamang sa wordpress.
Kaya ngayon direct na tayo sa topic natin, ayaw ko na pahabaan.
Here's the Step on How to Setup Facebook Instant Articles for Blogspot
Step 1: Pumunta ka dito sa website ng facebook Instant articles.
Step 2: Click Sign up.
Step 3: Pumili ka ng Facebook page mo, at check mo yong maliit na box, and then Click mo ang "Access Instant Articles Tools"
Step 4: Click mo lang ang "CONTINUE"
Now, Here's the Step kapag nasa Publishing Tools kana.
Scroll down mo at sa Tools Category.
Step 1: Click mo ang Connect Your Site at kopyahin mo yang Meta tag.
Step 2: Pumunta ka sa Blogspot Dashboard mo, at click mo ang Theme.
Step 3: Click Edit HTML and ilagay mo ang Meta code from facebook sa baba ng <head> and click SAVE.
Step 4: Kapag na save mo na, bumalik ka ngayon sa facebook Publishing Tools at ilagay mo dun sa url ang domain mo, at i-click ang claim url.
Ok tapos na tayo sa Meta tag, Dito naman tayo sa Production RSS Feed.
Step 1: Click mo ang Production RSS Feed.
Step 2: Ilagay mo itong Feed na ito http://yourdomain.com/rss.xml, ipalit mo lang dyan ang domain mo sa yourdomain
Step 3: Click Save.
Ok, tapos na tayo sa Production RSS Feed.
Sa Audience Network naman,
Click mo lang ang Register, sundan mo lang ang instruction sa part na yan.
And now, Dito na tayo sa Styles
Step 1: Click mo ang Styles and Click mo ang Default
Step 2: Bahala kana mag design ng mga font or color.
Step 3: Ito ang importante, dapat may logo kana para sa facebook instant article blog mo at dapat ang size ay 690px by 132px.
Step 4: Kapag nakapag upload kana ng Logo mo, i-click mo ang save at kapag na save na, i click mo ang close
At ngayon refresh mo yong browser at i-click mo na yong Submit for review,
And that's it, maghihintay nalang tayo 1 to 3 days kung approve ba tayo. Sana nakatulong itong simpleng review ko.
0 Comments