Mga dapat gawin bago ang lindol

Lindol (Earthquake) - resulta ng paggalaw ng mga tektonikong plato sa ilalim ng lupa. Ito ay nangyayari kapag nagbabanggaan o kapag nagkapatong ang mga tektonikong platong ito.

Lindol (Earthquake) - resulta ng paggalaw ng mga tektonikong plato sa ilalim ng lupa. Ito ay nangyayari kapag nagbabanggaan o kapag nagkapatong ang mga tektonikong platong ito. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga gumagalaw na plato ang bumubuo sa malaking fault sa ilalim ng lupa.

Narito ang mga tips na dapat gawin bago ang lindol

(1). Magplano - ang susi sa epektibong pag-iwas sa mga sakuna.

  • Alamin ang mga lugar na madalas na nakakaranas ng lindol at iwasan ito.
  • Sundin ang mga tagubilin sa structural na disenyo sa pagtatayo ng mga bahay at gusali.
  • Suriin ang kakayahan o tibay ng bahay at gusali, kumpunihin at patibayin ito kung kinakailangan.

(2). Maghanda - sa tahanan, trabaho o sa paaralan.


  • Itali o ipako ang mabibigat na muwebles/kabinet sa dingding.
  • Tiyaking matibay na nakakabit ang mga nakabitin na mga bagay (celling fans at chandeliers).
  • Itago nang maayos ang mababasag na mga kemikal, at lumiliyab na mga materyal sa mga pang-ibabang estante ng aparador na maaring isara at itrangka.

(3). Alamin ang mga daanan palabas, pamatay sunog, gamit para sa pang-unang lunas, alarma, at mga pasilidad para sa komunikasyon.

(4). Pag-aralan kung paano gagamitin ang mga ito.

(5). Magsagawa ng regular na pagsasanay kung ano ang dapat gawin kapag may lindol at makibahagi dito.

Tandaan laging maging handa sa lahat ng bagay.

Post a Comment

0 Comments