Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng Tsunami

Ano-ano nga ba Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng Tsunami?, Halika alamin natin, para maging handa sa lahat.

Tsunami - serye ng malalaking alon na nilikha ng pagyanig sa ilalim ng tubig tulad ng lindol, pagguho ng lupa, o pagsabog ng bulkan. Ang tsunami ay maaring kumilos nang daan-daang milya bawat oras sa malalawak na karagatan at humahampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan ang taas o higit pa.

Ano ang mga dapat gawin bago ang Tsunami?


1. Maghanda ng emergency o survival kit at gumawa ng plano ng pampamilyang komunikasyon.
2. Ipaalam sa pamilya ang tungkol sa mga plano sa sakuna at warning systems ng pamayanan.
3. Alamin ang taas ng iyong bahay mula sa level ng tubig-dagat at ang layo nito mula sa dalampasigan.

    Ano ang mga dapat gawin habang may Tsunami?


    1. Sundin ang tagubiling lumikas na ipinanukala ng awtoridad.
    2. Lumayo sa mga baybaying dagat.
    3. Babala: kung may di-pangkaraniwang pag-atras ng tubig mula sa dalampasigan, lumikas agad, ito ay likas na palatandaan ng paparating na tsunami.
    4. Alalayan ang iba na nangangailangan ng pantanging tulong tulad ng mga sanggol at matatanda.
    5. Pumunta agad sa mataas na lugar na malayo sa dagat.
    6. Magtungo sa lugar na 100 piye (30 metro) ang taas mula sa dagat o kung nasa patag na lupa, lumayo ng 3 kilometro sa dagat.

      Ano ang mga dapat gawin pagkatapos ng Tsunami?


      1. Bumalik lamang sa tahanan kapag sinabi ng mga lokal na opisyal na ligtas nang gawin ito. Huwag akalain na pagkatapos ng isang alon ay wala nang panganib. Ang susunod na alon ay maaring mas malaki o mas mapaminsala pa sa nauna.
      2. Kung may taong nangangailangan iligtas, tumawag ng propesyonal na may wastong kasanayan at kagamitan para tumulong.
      3. Alalayan ang mga taong may pantanging pangangailangan ng tulong.
      4. Suriin ang iyong sarili at ang iyong pamilya kung may mga pinsala at humingi ng pang-unang lunas (first aid) kung kinakailangan.
      5. Makinig sa radyo o telebisyon para sa mga pinakahuling ulat.
      6. Umiwas sa mga gusali na napalilibutan ng tubig, ang tubig mula sa tsunami ay maaring magdulot ng pagbigay ng sahig o pagguho ng pader.
      7. Iwasan ang mga lugar ng sakuna at mag-ingat sa muling pagpasok sa tahanan o gusali.
      8. Kapag naglilinis palaging magsuot ng damit na may proteksiyon at maging maingat.

        Post a Comment

        0 Comments