Mga dapat gawin habang may lindol

Narito ang mga dapat tandaan at dapat gawin habang may lindol, basahin ng mabuti para maging handa tayo sa lahat ng bagay.

Narito ang mga tips na dapat gawin habang may lindol.


Sa loob ng Bahay o gusali

  • Lumayo sa mga babasaging bintana, mga estante, kabinet at iba pa. Mag-ingat sa mga nahuhulog na mga bagay.
  • Dumapa, Magtago at kumapit. (Magtago sa ilalim ng matibay na mesa, humawak dito at protektahan ang ulo gamit ang kamay.
  • Manatili sa ganitong kalagayan hanggang huminto ang pagyanig.
  • Manatiling kalmado at huwag mataranta.

Sa loob ng Sasakyan

  • Itabi ang sasakyan sa kalsada at ihinto.
  • Iwasan ang mga overpass, tulay, flyovers at linya ng koryente na maaring mapinsala.
  • Manatili sa loob ng sasakyan hanggang huminto ang pagyanig.
  • Gayunman, ang isa na nasa aktuwal na kalagayan ang makapagpapasiya mas ligtas ang "manatili sa loob" o "lumabas" sa sasakyan habang may lindol.

Sa labas ng bahay o gusali

  • Lumayo sa mga puno, linya ng koryente, poste at mga konkretong istruktura.
  • Umalis sa mga matatarik na lupa na maaring gumuho.
  • Kung nasa tabing-dagat at nakaramdam ng lindol lalo na kung malakas, pumunta agad sa mataas na lugar. Maari itong sundan ng tsunami.

Tandaan, laging maging handa sa lahat ng bagay.

Post a Comment

0 Comments