Mga dapat gawin pagkatapos ng lindol

Narito ang mga tips na dapat gawin pagkatapos ng lindol

Narito ang mga tips na dapat gawin pagkatapos ng lindol

  • Maging handa sa mga posibleng aftershocks.
  • Sa sandaling huminto na ang pagyanig, lumabas agad ng gusali. Gawin ito sa pinakamabilis at pinakaligtas na paraan.
Narito pa ang ilang mga tips na dapat gawin pagkatapos ng lindol

Huwag

  • Gumamit ng elevator
  • Pumasok sa mga nasirang gusali
  • Gumamit ng telepono kung hindi kinakailangan
  • Magpanic

Tiyakin

  • Ang sarili at ang iba kung may sinumang nasaktan
  • Kung may pinsala sa mga linya ng koryente at tubig
  • Kung may tagas o butas ang lalagyan ng mga nakalalasong kemikal o nagliliyab na mga bagay
  • Kung may sunog na dapat apulahin.

Kung naipit sa ilalim ng mga Guho

  • Huwag magsindi ng lighter o posporo
  • Iwasang gumalaw o sipain ang alikabok.
  • Gumamit ng panyo o basang tela para takpan ang bibig.
  • Tapikin/katukin ang pader o tubo para madaling mahanap ng mga rescuer.
  • Gamitin ang pito (whistle) kung mayroon.
  • Iwasang sumigaw upang hindi makalanghap ng maraming alikabong. Gawin huling opsiyon ang pagsigaw.
Tandaan, dapat laging handa sa lahat ng bagay.

Source: Federal Emergency Management Agency (FEMA)

Post a Comment

0 Comments