Paano gumawa ng sariling website ng libre at madaling sundin?

Para sa mga gustong pasukin ang mundo ng Blogging, at gusto gumawa ng sariling website. Narito ang step by step kung paano gumawa ng sariling website ng libre.

Kumusta kapatid, kapuso o kapamilya hehe. Una sa lahat maraming salamat sa pag bisita ng aking blog, i will make sure na marami kang matutunan dito. Pero bago tayo pumunta sa topic natin, gusto ko munang i share sayo ang experience ko bilang isang Blogger.

Noong bago pa lang ako, katulad mo rin ako, walang idea. Kaya natural na yong magtatanong ka sa mga batikan o gamitin si Google search para mag research o mag explore about blogging. Halos 2 years din ako nag self study kung paano gumawa ng sariling website or blog, at kahit papaano may natutunan naman ako kahit kaunti lang hehe.

Maraming nagtatanong sakin, paano daw ba ako nagkakapera, eh nasa bahay lang naman ako.Maniwala ka man o hindi, nakapagpatayo ako ng maliit na bahay ng paunti unti dahil sa pag ba blog, at nakakapag aral ang dalawa kong anak dahil dito.Kaya marami talaga nagtataka.Kaya hanggang ngayon nagsisikap pa ako ma improve ang mga kaalaman ko.Kahit araw-araw puyat, ok lang, kasi ginagawa ko ito para sa pamilya ko.

Saan ba ako kumikita ng pera?. Kumikita ako ng pera dahil sa affiliate marketing, next time gagawa ako ng article kung paano kumita ng pera sa affiliate marketing.Pero sa ngayon mas focus ako sa mga Advertisement network katulad ng Google Adsense.Isa ito sa mga sikat at malaking advertisement network, at ito ay hawak ng Google.Ano yong Google adsense?. Dito sa blog ko na Guide2k, may makikita ka na mga ADS dyan sa taas ng blog ko at meron din sa may gitna nitong article at meron din sa ibaba.Kumikita ako ng pera once na may nag click dyan ng ads, galing sa mga visitors ng blog ko.

Take note: Marami ka pang pag dadaanan bago mo magawa ito, sa madaling salita, maraming ka pang pag dadaanan bago ka kumita ng pera from Google Adsense, at isa sa mga dapat mong pag aralan, kung paano gumawa ng sariling website. Dahil hindi ka magkakaroon ng Google adsense account kung wala kang website.

Dito sa blogspot ay libre lang gumawa ng website dito.Habang tumatagal at kung alam mo na ang pasikot sikot, at gusto mo nang mag seryoso sa Blogging.Basahin mo itong article na ginawa ko, kung Paano bumili ng Web Hosting na may libreng Domain Name Para sa Iyong WordPress Blog mo.

Medyo mahaba na pala ang kwento ko hehe, Tara na punta na tayo sa topic natin.

Narito ang una mong gagawin sa pag gawa ng sariling mong website ng libre


Step 1: Gumawa ka muna ng sariling mong Gmail account. Pumunta ka dito at mag SIGN-UP ng gmail account.Pwede mong tingnan ang picture sa ibaba.

Gumawa ka muna ng sariling mong Gmail account


STEP 2: Pagkatapos mo mag sign up ng gmail account, i click mo lang ang Next step. Meroong mag pa pup up dyan tulad ng nasa picture sa ibaba, i-click mo lang ang I AGREE.

Click mo ang I Agree para mag patuloy ang paggawa ng mo sariling gmail account.

STEP 3: After mo ma click ang I AGREE. Congratulations dahil may gmail account kana. But take note, minsan kailangan mo pang i-verify ang mobile number na nilagay mo dyan.

After mo mag sign up sa gmail account, mag lalabas na congratulations, ibig sabihin may gmail account kana.

Congratulations! may gmail account kana, at ngayon naman, pumunta na tayo sa next step kung paano gumawa ng sariling website sa Blogger or Blogspot.Sundan mo lang ulit ang instruction ko sa ibaba.

Narito ang step by step kung paano gumawa ng sariling website sa Blogspot or Blogger


STEP 1: Pumunta ka dito sa Blogger.com at i-click ang Sign-in

Mag sign in sa blogspot para maka pag log in.

STEP 2: Kapag nasa Log-in page kana.Enter your email and password, para makapasok ka sa blogspot dashboard.

ilagay ang email at password para makapasok sa blogspot o blogger dashboard.

STEP 3: Piliin ang "Create a limited Blogger profile" Pwede mo rin piliin ang "Google+ Profile. Pero sa ngayon ang pinili ko ang Blogger Profile.

Pumili ng profile kung Blogger profile ba or Google+ profile.

STEP 4: After mo piliin ang create a limited Blogger profile, gumawa ka ng sarili mong display name, katulad ng picture sa ibaba at i-click ang Continue to blogger.

Make sure na gusto mo ang display name na ilalagay mo.

STEP 5: After mo ma click ang Continue to Blogger, May mag pa pup up dyan na mga new themes, click mo lang ang SURE!

Ang blogspot ay nag labas ng mga bagong themes na parang pang pro.

STEP 6: It's time to create a Blog. Pwede ka na gumawa ng Blog mo. I click mo lang ang CREATE NEW BLOG button.

It's time to create a blog now, pwede kana gumawa ng new blog.

STEP 7: After mo i-click ang CREATE NEW BLOG. May mag pa pup-up dyan, at ilagay mo na ang tittle na gusto mo sa blog mo, at ilagay ang address o name ng blog, at pumili ng themes ng blog or website mo.

TAKE NOTE: Isipin mo mabuti ang ilalagay mong name ng website mo.Kasi habang buhay mo na yan gagamitin.


Ilagay ang gusto mong tittle ng blog mo at address at pumili ng themes.


After mo pumili ng themes, i click mo ang Create Blog button, at CONGRATULATIONS! dahil may blog or website kana. Pwede mo tingnan kung ano ang itsura ng website mo. Click mo lang yung VIEW BLOG, katulad ng picture sa ibaba.

Tingnan ang itsura ng website or blog mo sa blogspot dashboard.


At ngayon naman, bago ka mag sulat ng article mo, pumunta ka dito para pag aralan How To Make Blogger Better for SEO, at basahin mo rin ito Guide for SEO setup to ensure your site is Optimized for Google.

CONGRATULATIONS! ulit dahil may blog or website kana. Kung may tanong ka, huwag kang mahiyang magtanong. Mag comment ka lang sa ibaba.

Post a Comment

0 Comments