Paano mag apply ng trabaho sa SM department store as outright?

Nakapag outright ka na ba sa department store? kung hindi pa, bigyan kita ng tips para makapag work ka sa SM Department store.

Nakapag outright ka na ba sa department store? kung hindi pa, bigyan kita ng tips para makapag work ka sa SM Department store.

Kung ikaw ay edad 18 to 25 yrs.old at nais mong mag work sa department store ng kahit na anong SM Branch.May mga tips ako para sayo.Unang una, hindi mo kailangang mag agency. Kung nais mong mag apply direct sa mga mall.Mag direct ka sa employees entrance kung nais mong mag apply.

Eto ang mga una mong dapat dalhin kapag mag apply sa SM Department store:

1. Resume
2. SSS ID or E1 form
3. Bring at least 2 valid ID's

Attire in applying for a Job


FOR BOYS:

1. Formal attire with black shoes is much better
2. Huwag kang mag-suot ng damit na parang pupunta ka lang sa mall
3. Make sure to wear formal attire at gwapong gwapo ang itsura mo
    FOR GIRLS:

    1. Formal attire with close shoes or sandals
    2. Skirt but make sure wag masyadong maiksi
    3. Formal shirt, don't wear backless or spaghetti strap
      Usually, ang standard height na hanap ni SM department store ay 5'4 pataas para sa mga lalake at 5'2 pataas para sa mga babae. High School grad are welcome to apply.

      7 Tips na dapat mong gawin during interview kapag nag apply ng trabaho sa SM Department Store



      STEP 1. Pag nag apply ka, make sure maayos at maganda ang itsura mo, dahil yan ang unang-unang titingnan ng mag i-interview sayo.

      STEP 2. Fresh breath: syempre kailangan hindi tayo bad breath. Dahil interview toh, kailangan confident ka pag nagsasalita.

      STEP 3. Eye to eye contact: yan ang need mong gawin habang kinakausap ka ng interviewer. Dapat confident ka din sa lahat ng mga sinasagot mo.

      STEP 4. No hand gestures: most of us habang iniinterview ay hindi maiwasang may mga hand gestures habang nagsasalita or kinakausap ng nag i-interview.Avoid naten toh guys! dahil nakakadagdag ito ng kaba naten at may possibility na  mawala na ang mga gusto nateng sabihin dahil sa sobrang hand gestures naten.

      STEP 5. Magpabango at mag make up para sa mga babae: nakakadagdag points pag maganda ang awra naten paghaharap tayo sa mag iinterview saten.

      STEP 6. BE ALERT ALWAYS: dapat handa ka sa anumang itatanong sayo ng  interviewer. Dapat lahat ng isasagot mo ay totoo. Dahil minsan pag nag sisinungaling na tayo ay paiba iba na ang mga isinasagot naten.

      STEP 7. No tattoo: ayaw ni SM ang may tattoo. Gusto nila presentable ang kukunin nilang workers sa mall. Sa department store ka magtatrabaho dapat maganda at desente ang itsura mo.

      NOTE: Ito ay para sa mga first timer lang, once na nakapag direct ka na kay SM, hindi ka na pwede pang umulit, kaya nga pag nag outright ka na, galingan mo na, chance mo na toh para ma regular sa trabaho.

      Sana nakatulong ako sa mga nais mag apply direct sa department store. Kung may mga nais pa kayong malaman or may mga katanungan feel free to message me or comment me. GOODLUCK!

      Post a Comment

      0 Comments