Paghahanda ng Pamilya sa Sakuna


Mga dapat tandaan o paghahanda ng isang pamilya sa mga darating na sakuna o kalamidad.

Narito ang mga dapat natin gawin at tandaan sa oras ng mga kalamidad


(1). Maging pamilyar sa mga posibleng daanan patungo sa mga "ligtas na lugar" o "evacuation center" kapag may sakuna.

(2). Maghanda ng "Emergency bag o Survival kit" at ilagay sa lugar na madaling makita at madala ng bawat miyembro ng pamilya.

(3). Maglaan ng panahon para turuan ang pamilya kung ano ang dapat gawin kapag may sakuna.

  • Magsagawa ng aktuwal na pagsasanay at hikayatin ang lahat ng miyembro ng pamilya na makibahagi.
  • Ang mga pamilya sa pamayanan ay kailangang magtipon upang talakayin ang mga dapat gawin tuwing may sakuna.
  • Aktibong makibahagi sa mga pagsasanay na inilalaan ng mga institusyon upang maiwasan ang masasamang epekto ng mga sakuna 

Narito ang mga Survival kit na dapat naka ready na sa bahay mo


Tubig: 1 galon para sa isang tao bawat araw (3 araw na suplay para sa paglikas, 2 linggong suplay para sa bahay)

Pagkain: Hindi napapanis, at madaling ihanda

  • Flastlight
  • Radyong de-baterya
  • Pang-unang lunas/first Aid kit
  • Ekstrang baterya
  • Cell phone at charger
  • Kumot
  • Personal na mga kagamitan sa paglilinis (toothbrush, tuwalya, atbp.)
  • Numero ng telepono ng mga miyembro ng pamilya at emergency contacts
  • Kopya ng personal na mga dokumento o papeles (birth certificates, passport, insurance policies)
  • Multi-purpose tool
  • Reserbang salapi
  • Pito
  • Maskara gamit sa medisina
  • Posporo/lighter
Sana nakatulong itong simpleng paalala para maging handa sa lahat ng bagay.

Post a Comment

0 Comments