Mga public storm at warning signals at mga dapat gawin habang may bagyo

Isang uri ng tropical cyclone o matinding tropikal na bagyo na mabubuo sa karagatan karaniwan na sa karagatang Pasipiko

Bagyo (Typhoon) - Isang uri ng tropical cyclone o matinding tropikal na bagyo na mabubuo sa karagatan karaniwan na sa karagatang Pasipiko. Ito ay maaaring lumikha ng mga storm surge o daluyong sa mga baybayin. Ang mga pagbaha at lumilipad na debris (kalat) mula sa malalakas na hangin ay kadalasan ng nakakamatay. Ang mababagal na bagyo na kumikilos papunta sa mga bulubunduking rehiyon at may sobrang pag-ulan ay nagdudulot ng mga pagguho ng lupa (landslide) o mudslide.

Signal NO. 1 - Hangin na may lakas na hindi lalampas ng 60 kph at maaring asahan sa loob ng 36 oras.


1. Panatilihing nakabukas ang radyo at pakinggan ang kasalukuyang kalagayan ng bagyo: kasalukuyang posisyon, direksyon at ang bilis ng galaw.

2. Alamin ang kapasidad ng bahay na makayanan ang malakas na hangin, patibayin ito kung kailangan.

Signal NO. 2 - Hangin na may lakas na 61 hanggang 100 kph at maaring asahan sa loob ng 24 oras.


1. Ang mga naglalakbay sa dagat at sa himpapawid ay pina-iingat upang makaiwas sa di-inaasahang mga panaganib.

2. Isarang mabuti ang mga bintana at lagyan ng pananggalang kung kailangan. Manatili sa loob ng bahay.

Signal NO. 3 - Hangin na may lakas na 101 hanggang 185 kph at maaaring asahan sa loob ng 18 oras.


1. Lumikas mula mababang lugar tungo sa mataas na dako.

2. Lumayo sa dalampasigan at sa mga pampang ng ilog.

Signal NO. 4 - Hanging may lakas na higit sa 185 kph at maaaring asahan sa loob ng 12 oras.


1. Manatili sa ligtas na mga bahay o sa evacuation centers.

2. Kanselahin o ipagpaliban ang lahat ng mga biyahe at mga gawain sa labas ng bahay.

Post a Comment

0 Comments