Mga Robot na Waitress Matatagpuan sa ilang Restaurant sa India

May isang restaurant sa India ang dinadayo ng mga kostumer, hindi lang sa masasarap na pagkain kung hindi sa mga robot na waitress....

Ayon sa ulat ng Reuters, may isang restaurant sa India ang dinadayo ng mga kostumer, hindi lang sa masasarap na pagkain kung hindi sa mga robot na waitress na nagdadala ng kanilang mga order.

Ayon sa may-ari ng restaurant sa India na si Karthik Kannan "We tried out different theme restaurant designs and all that. Later on, we finally decided that we could do something different which is not there in India. That is when we decided on the robot theme restaurant where we could bring robots to actually bring the food.

May tela o scarf pa sa leeg ang mga rolling robot na naghahatid ng kanilang inorder na inumin at pagkain, at hindi lang sa paghahatid na kanilang order ang mga robot waitress na ito, kaya rin nila kumuha ng mga pinagkainan ng kostumer.

Sobrang naaliw ang mga kostumer dahil sa kakaibang gimik na ito ng restaurant, pwede kapa mag selfi sa mga robot na nagsisilbi sayo o nagaasikaso sa mga order mo.

Sa pamamagitan ng Phone tablets, makaka-order ng kanilang pagkain ang mga kostumer sa kanilang lamesa. At kapag naluto na iyong order, dadalhin ito ng mga robot sa iyong lamesa.

Source: Reuters, GMA News Online

Post a Comment

0 Comments