Mga Tips laban sa Heat Stroke para sa ating Pets

Ngayon summer mas lalong papainit ang temperatura sa Pilipinas, kaya dapat alamin natin ang mga impormasyon tungkol sa heat stroke, para mapangalagaan natin ang ating mga alaga hayop.

Alam mo ba na hindi lamang tao ang pwedeng tamaan ng heat stroke?. Maging ang ating mga alagang hayop at pwede rin tamaan ng heat stroke, hindi ligtas sa ating mga alagang hayop ang sobrang init ng panahon.

Ngayon summer mas lalong papainit ang temperatura sa Pilipinas, kaya dapat alamin natin ang mga impormasyon tungkol sa heat stroke, para mapangalagaan natin ang ating mga alaga hayop.

Ano nga ba ang mga dapat natin tandaan para maiwasan ang heat stroke para sa atin mga alagang hayop? Ano-anu nga ba ang mga sintomas kapag tinatamaan ng heat stroke ang ating mga alagang hayop?, ano-anu nga ba ang dapat gawin ng pet owner kapag tinamaan na ng stroke ang ating mga alagang hayop?

Narito ang ilang sintomas ng heat stroke sa mga pets

1. Paglalaway
2. Mataas na temperature
3. Mabilis na paghingal
4. Pagsusuka
5. Purple na dila o Deep red
6. Hindi mapakali

    Narito naman ang first aid na dapat natin gawin para maibsan an heat stroke

    1. Agad dalhin ang ating mga alagang hayop sa malamig na lugar
    2. Tutukan ng electric fan
    3. Agad bigyan ng tubig
    4. Dalhin sa veterinarian na malapit sa inyong lugar

      Narito naman ang ilang paraan para maiwasan ang heat stroke

      1. Palagi silang bigyan ng fresh water
      2. Ilagay sila sa lugar na may shade
      3. Bawasan ang kanilang activities
      4. Huwag silang iiwang mag-isa sa loob ng sasakyan
        Sana ang article na ito ay nakatulong sayo para maiwasan ang heat stroke ng ating mga alagang hayop.

        Post a Comment

        0 Comments