Ang Misteryo ng mundong kinagisnan



                                             

" Hindi tayo mabubuhay na wala ang isa at nang hindi nagkakaisa"

Tayo ay nabuhay na maraming pagtatanong sa mundo at sa ating mga sarili, tayo ay nilikha upang lagpasan ang lahat ng pagsubok sa ating buhay marahil nagtataka kayo kung bakit ganito ang ginawa ng Diyos sa mundo, marahil kung minsan nagagalit tayo sa kanya pero natanong niyo na ba kung anong purpose niya? Maraming tanong ang walang kasagutan at marahil ring mas pinili nalang nating manahimik pero sapat na ba iyon? Ang katanungan ay hindi nalulutas sa pagwalang kibo kundi sa pagsagot at paghahanap ng tamang sagot. Ang mundo ay puno ng misteryo na siyang sinisikap sagutin ng karamihan satin para sa ikauunlad ng ating henerasyon para sa kinabukasan ng karamihan kailangan nating tumuklas at sa kasamaang palad ang pagtuklas na ito ay nagdudulot ng kasakiman sa iilang alam ang buong katotohanan na sa hanggang ngayon nakatago parin ang totoo at atin nang nakaligtaang tuklasin.

Ang mundong ating ginagalawan ay mas masalimoot pa sa iyong iniisip ang mga organisasyon at mga lihim na samahan ay siyang patuloy na gumagawa ng paraan para malipon ang lahat at para mapili ang lahing kanilang gugustuhin. Tayo ay hindi nabuhay upang magaral lamang, magbayad ng tax at mamatay sikapin nating bago tayo mamatay ay may naiambag tayo sa ating bansa. Maraming totoong nangyare ang pilit itinago sa atin ng mga bansang alam ang katotohanan sa mundo, katulad na lamang ng Vatican City bakit sila gagawa ng isang teleskopyo na kayang Makita ang buong kalagayan at pag inog ng buwan? Sa tingin niyo ba sapat ang kanilang dahilan na dahil maganda lang itong pagmasdan? nakakawala ng problema or stress? Or maganda lang talaga pagmasdan? Itinatago nila ang mga totoong nangyayare at kaganapan, dahil pag nalaman ito ng believers’ about religion maaring masira ang pananampalataya ng karamihan sa Diyos at ito ang malaking pagkakamali nila dahil ginagawa nilang mga mangmang ang mga taong nasasakupan nila.

Sa pag lipas ng maraming taon simula sa angkan ni Adan At Eba tayo ay natutong tumayo sa sariling mga paa natutong pumatay, magnakaw, maging sakim, mapagmataas, sirain ang mundo at bukod sa lahat sinisikap maging mas mataas sa kapwa nagpapataasan ng kaalaman at nag lalamangan. Bawat isa ay may sari-sariling desisyon at kakayahan na siya namang sumisira sa ating pagkatao para maging patas sa lahat bilang isang tao nahihirapan tayong maging equal sa lahat maging sa kadugo, dahil nangingibabaw ang inggit sa ating mga laman na siya namang lumalamon sa’tin habang buhay. Kailan kaya magkakaisa ang lahat para sa kapayapaan? Para sa mabilisang pagunlad at mabuting gawa? Marahil kailangan ulit ng paglipon para tumatak sa isip ng bawat isa na hindi tayo mabubuhay na wala ang isa at nang hindi nagkakaisa.



Post a Comment

0 Comments