Senyales ng Gaslighting na nakakasira sa buhay mo



Ang Gaslightning ay isang uri ng emotional abuse or psychological manipulation na kung  saan may mga tao kang maka-kasalamuha na ipapamuka sayong napakawalang kwenta mong tao o mag-direct insults sa pagkatao mo at ito ay isang “Act of manipulating person” para questionin mo  ang sarili mo. Ang isa pa sa malala dito kung ikaw ay biktima nito malalagay ka sa alanganing sitwasyon kung saan magtatanong ka sa sarili mo ng hindi naman dapat na mga negative na bagay. Ayon sa pag-aaral ang ganitong sitwasyon ay nangyayare sa magkarelasyon.

Ano-ano nga ba ang senyales ng Gaslighting?
  • Magtatanong ka sa sarili mo kung tama ba ang sinabi niya patungkol sayo.
  • Iisipin mong napaka-sensitibo mong tao.
  • Madali kang maconfused sa mga bagay.
  • Hindi mo makayanang magdesisyon ng mag-isa dahil iniisip mong hindi naman mag-wowork.
  • Sorry ka ng sorry kahit hindi ikaw ang may kasalanan!
  • Iniisip mong palagi ka nalang mali at walang nagawang tama.
  • Iniisip mo na hindi ka sapat para punan lahat ng ginawa niya para sayo o napakawalang    kwenta mong tao.
  • Iniisip mong mag-isa nalang dahil hindi ka worth it para sa iba.
  • Bigla-biglang malulungkot kahit wala namang dahilan.
  • Lagi ka nalang gumagawa ng dahilan para hindi matuloy ang isang bagay.
  • Nawawalan palagi ng kumpyansa sa sarili.
  • Hindi mo magawang ma-enjoy ang mga bagay na sa iba naman ay nakakapag-pasaya.
May mga taong mag gagaslight sayo at hindi natin ito maiiwasan sa pang-araw araw at kadalasan ang isa sa pinakamasakit ay kapag mahal mo sa buhay ang gumawa nito sayo. Ito ang percfect attack para ma-gaslight ka at mawalan ng gana sa buhay. Ipapamuka nila sayo ang mga negative thing na mapapaisip ka at dahil dito magagawa kang ma-apektuhan ng stress at kasabay ang gaslighting.  

Tandaan na laging maging positibo sa buhay at pananaw para sa sarili dahil kung anong nilalaman ng utak natin makakaapekto pati sa katawan natin. Wag mong hayanaang masira ka ng mga taong ito dahil hindi ka magagawang maapektohan nito kung positibo ka sa buhay at matatag.     


Post a Comment

0 Comments