Catholic Cathedral in Our Lady of Mount Carmel bombing - Julo Sulo Update



Ilang linggo ng maputok ang balita ukol sa pag-papasabog sa Jolo sulo sa isang Catholic Cathedral in Our Lady of Mount Carmel at nag-utos narin si Pres. Duterte ng all-out-war para sa mga terrorista dahil sa gigil at emosyon sa nangyare. Hinihikayat ni Pres. Duterte na isuplong ng mga tao doon kung may mga nagtatagong terroristang abu sayyaf man sa kanilang lugar. Ang Pagsabog ay kumitil ng buhay ng 21 katao at marami rin ang sugatan, hindi makatarungan ang ginawang ito ng mga terroristang abusayyaf para sa mga inosenteng tao na walang kalaban-laban sa nangyare. Mariin din itong kinundina ng mga international leaders at influence people worldwide. Dapatwat ganito ang nangyare nag-simula ng mag-karoon ng racism ulit sa bansa laban sa mga muslim.

Ang ganitong pangyayare ay dapat hindi idamay ang muslim religion o ‘yong mga may pananampalatayang totoo kay Allah o ‘yong Diyos ng mga muslim, dahil sa makatuwid ang totoong nananampalataya sa Diyos ay hindi gagawa ng karumal-dumal na pangyayare bagkus nag propromote pa ng kapayapaan at katahimikan. Maraming nag-kalat sa social media na post against sa mga muslim which is hindi naman dapat mai-connect sa islam ang pangyayare. Ginusto ito ng mga tao at hindi ng Diyos hindi mga totoong nananampalataya ang gumagawa nito.

Walang mararating ang peace order na ginagawa ng administrasyon kung ang mga terroristang grupo mismo ang sumisira nito. Hindi matatapos ang digmaan sa kapwa pilipino kung hindi bukas ang ating mga isipan upang lutasin ang alitang ito. Hindi tayo dapat tumayo at manood lang makialam tayo sa usaping ito at pag-aralan kung ano ang ating maitutulong sa bayan. Hindi ang administrasyon ang sumisira sa bayan kundi ang mga terroristang grupo na may gustong mapatunayan.

Halos 400 na pamilya na ang lumikas sa sulu dahil sa ginagawang all out war ng gobyerno ngayon para hindi na madamay ang mga sibilyan kung sakaling sumiklab na ang digmaan ulit sa abu sayyaf.

Post a Comment

0 Comments