Alamin Ang Mga Dapat Gawin Kapag Sumingaw Ang LPG Sa Inyong Bahay

Alamin Ang Mga Dapat Gawin Kapag Sumingaw Ang LPG Sa Inyong Bahay

Kamakailan lang sa Lucban, Quezon, isang insidente ng pagsabog ng LPG sa loob ng bahay. Kaya mahalaga na magkaroon ng kaalaman ang bawat individual kapag naka amoy ng sumisingaw na tangke ng LPG.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring insidente sa Lucban, Quezon, may tagas na umano ang hose ng LPG dahilan ng pagsabog ng tangke ng LPG, dagdag pa ng Bureau of Fire Protection na ang Tangke daw sa Substandard.

5 Tips kung ano ang dapat gawin kapag may tagas ang tangke ng LPG


  1. Ilabas sa bahay ang tangke ng LPG ng may tagas at tawagan ang distributor nito
  2. Buksan ang lahat ng bintana at pinto ng bahay
  3. Patayin kaagad ang regular ng tangke ng LPG
  4. Huwag magsisindi ng posporo o lighter
  5. Huwag buksan ang kahit anong appliances na gumagamit ng kuryente

Narito po ang 4 safety tips hinggil sa paggamit ng LPG


  1. Huwag ilagay ang tangke ng LPG sa loob ng mga closed compartment gaya ng tokador dahil posibleng mag-init ang tangke sa kulob na kinalagyan nito.
  2. Suriin ang rubber tubes ng tangke ng LPG
  3. Palitan ito ng dalawang beses ng isang taon
  4. Siguraduhing hindi maulanan o mainitan ang tangke ng LPG

Post a Comment

0 Comments