Duterte, Handa na magpaturok ng COVID-19 Vaccine

Duterte, Handa na magpaturok ng COVID-19 Vaccine

MANILA, Philippines —  Matapos sabihin ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III na 20-30% lang ng mga taga-Metro Manila ang payag mabakunahan laban sa nakamamatay na COVID-19 matapos nilang magsagawa ng isang survey. 

Desidido  na si President Duterte na magpaturok ng COVID-19 vacine sa Publiko, sa "puwet daw siya magpapasaksak" ng bakuna."

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque "Well I think the president has said that he will now have himself vaccinated publicly,"

"He only has to announce when it will be done and that’s of course in recognition of the fact na nag-aantay ng senyales ang taumbayan kung sila’y magpapabakuna o hindi. That is a policy that we will now pursue."

Ang prefer ni President Duterte dati na bakuna ay gawa ng Tsina o Rusya, ngunit ngayon, wala pa umanong brand ang nabanggit.

December 2020 nang sabihin ng Malacañang na handang-handa na si Digong mauna sa pila ng ng COVID-19 vaccine oras na payagan ng Food and Drug Administration.

Ang update naman sa covid ay umabot na sa 549,176 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa huling datos na inilabas ng Department of Health kahapon. Sa bilang na 'yan, 11,515 na ang patay.

Source: Philstar

Post a Comment

0 Comments