JUST IN: Julia at Joshua nag-sorry sa isa’t isa at nag-iyakan pa

JUST IN: Julia at Joshua nag-sorry sa isa’t isa at nag-iyakan pa

Matapos ma i-upload ang music video ni Moira dela Torre na Paubaya na bida sina Joshua Garcia at Julia Barretto na binuo ng mag-asawang Moira at Jason Hernandez.

Sa loob lamang ng 17 hours ay dinagsa ito ng milyun-milyong views. At talaga namang pinag-usapan ito sa social media.

Hindi malaman ng mga Joshlia fans kung ano ang gagawin nila sa madramang tagpo sa naturang video.

Grabeng nakakaiyak na eksena , doon ay nagpahayag ang dating magkasintahan ng kanilang paghingi ng sorry, nagkapatawaran, nagpasalamat at nagpaalam.

Gumagaralgal ang boses ni Julia na umiiyak na humihingi ng paumanhin kay Joshua.

 “Sorry. Sorry, kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sorry, kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.

“Natakot ako. Sobra. Pero gusto ko, nandun ako. Gusto ko, nandun ako nung nasasaktan ka. Pero wala. Siguro, dahil alam ko na rin na…na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

Ayon sa mga Joshlia fans, hindi pa rin daw sila makapag-move on sa relasyon ng magka-loveteam. Kaya talaga namang ang daming mensahe ng mga JoshLia fans, hindi rin daw sila makatulog sa napanood nila.

Source: Philstar

Post a Comment

0 Comments