Paghiling ng ‘time-out’ ng mga Medical Frontliners Maaaring maulit

Paghiling ng ‘time-out’ ng mga Medical Frontliners Maaaring maulit


MANILA, Philippines — Sa pagdami ng kaso ng COVID-19, maaaring maulit ang paghiling ng mga medical frontliners ng ‘time-out’.

Pinanga-ngambahan na mangyari kung ilalagay ng pamahalaan sa ‘modified general community quarantine (MGCQ)’ ang buong bansa.

Ayon sa pahayag ng bise presidente ng Philippine College of Physicians na si Dr. Maricar Limpin, Maaaring tumukod sa pagod ang mga health workers tulad ng nangyari noong 2020 dahil sa dami ng pasyente.

Dagdag pa niya, dapat paunti-unti ang usad ng bansa sa laban sa COVID-19 at huwag biglang aatras. Ayaw rin naman umano nila na manghingi muli ng ‘time-out’ na naging kontrobersyal noong nakaraang taon.

Kung sakaling hindi maiiwasan na ilagay sa ‘general community quarantine (GCQ)’ ang buong bansa,  pinapaalala ng bise presidente ng Philippine College of Physicians na si Dr. Maricar Limpin na sumunod sa mga protocols tulad ng seryosong pagsusuot ng face masks at dapat tama, tamang pagsusuot ng face shield na kadalasan ay itinataas din sa ulo at physical distancing tuwing nasa mataong lugar.

Napagbigyan naman noon ang mga health workers nang bigyan ng dalawang linggong pahinga.

Source: Philstar

Post a Comment

0 Comments