Bakuna Kontra Covid-19 Matagumpay Ayon sa Malacañang

Bakuna Kontra Covid-19 Matagumpay Ayon sa Malacañang

Bakuna Kontra Covid-19 Matagumpay Ayon sa Malacañang

Malacañang, ipinagmalaki ang matagumpay na panimula sa pagbabakuna laban sa COVID-19. Tuloy-tuloy kahapon ang pagbabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) at posibleng magkulang pa ang inisyal na alokasyon na mahigit sa 1,000.

Ayon kay Go “Maliban sa ating mga magigiting na mga medical frontliners, naging matagumpay din ang pagbakuna sa ilang mga opisyal ng gobyerno hindi dahil sila po ay prayoridad kundi ginawa po nila ito upang maipakita sa publiko na magtiwala po tayo sa bakuna, na tanging bakuna lamang po ang solusyon, tanging bakuna lamang po ang susi upang unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,”

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamahalaan at ang “Team Philippines” sa matagumpay na simula ng rollout ng vaccination program nitong Lunes.

Dagdag ni Go na dahil sa simula ng pagbabakuna ay lumakas ang pag-asa ng bansa para makabangon tungo sa “new normal” at makabalik na sa normal ang kabuhayan ng mga Filipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Lumampas pa aniya sa inaasahang 70 ang bilang ng nabakunahan na humigit sa 120.

Dagdag pa niya, may buffer stock na nasa 30,000 sakaling magkulang pa ang bakuna sa(Philippine General Hospital) PGH.

Source: Philstar

Post a Comment

0 Comments